Welcome to Pinoy Fear Factor Blog, your online source of videos, articles, episodes and other information to keep you updated about the show.Pinoy Fear Factor is based on the Dutch reality game show Now or Neverland. It will be hosted by Ryan Agoncillo. The location of the show is in Argentina, South America.

Manuel Chua reveals his mother is his number one fan

Category: By Administrator
Manuel Chua continues to enjoy his celebrity status brought about by his successful stint as a Participante in Pinoy Fear Factor: Argentina, South America. Despite losing in the reality stunt show, Manuel won the hearts of Kapamilyas and he has been tapped to star as one of the leading men in Precious Hearts Romances presents Bud Brothers. ABS-CBN.com interviewed Manuel on the set of Bud Brothers where he revealed how he enjoyed taping with the other stars of the show. “Masaya kapag shooting lalo na kapag buo kaming Bud Brothers. Kulitan lang kaming lahat. Bonded talaga kami. ‘Yung friendship naming lahat ang pinakatine-treasure ko dito. Dahil sa samahan namin nagiging madali ‘yung trabaho. Nung simula tahimik lang ako kasi syempre nahihiya pa ako dahil ako ‘yung baguhan. Pero nung tumagal naging okay naman kasi friendly naman sina Jake Cuenca, si John Prats. Hindi ka naman nila ia-out of place. Mabait silang lahat. Close talaga kaming lahat pero bihira naming makasama si Rafael Rosell kasi laging sa hiwalay na unit siya.”

The cast of the afternoon teleserye was recently changed, and instead of being partnered with fellow Participante Janna Dominguez, Manuel’s leading lady will be the sexy Wowowee host Valerie Concepcion. He admitted that at first he was sad that he won’t get to work with his close friend Janna, but eventually though, he was excited to be working with Valerie after they did a workshop together. “Nakapag-workshop na kami ni Valerie. Sa tingin ko siya ‘yung aalalay sa akin (laughs). Kasi ako ‘yung mahiyain, madalas nilang napapansin kapag nagshu-shoot na. Ang dami ko pa talagang dapat i-improve. Lagi kong binabasa ‘yung script at nagpa-practice ako kasi syempre ayoko namang maging problema kapag nasa shoot na.”

Manuel told ABS-CBN.com that he was feeling nervous about his upcoming kissing scene and love scene with Valerie. But with the help of their top notch directors in Bud Brothers, Manuel believes he can pull the scene through. “Hindi ko nga alam kung may kissing scene o love scene ako dito, mukhang wala (laughs). Pero hindi ko naman iniisip masyado. May tiwala naman ako sa mga direktor namin na aalalayan nila kami kapag nandun na sa eksena na ‘yun. Magagaling lahat ng direktor namin. Nakakatuwa kasi dito lang sa Bud Brothers iba’t ibang direktor na ‘yung nakatrabaho ko. Sina Direk Jerry Sineneng, Cathy Garcia Molina, Don Cuaresma, Erik Reyes. Bongga, sabi nga nila (laughs).”

Being an actor was never the main goal of Manuel when he joined PFF. All that this appliance store owner from Cabanatuan wanted was to play and take home the grand prize for his daughter. Manuel then shared that ever since he was a child, his mother would tell him that he will become a star, an idea that Manuel thought was impossible. “Nanay ko talaga ang may gusto na mag-artista ako. Pinasok niya ko sa modeling school kasi nga gusto niya akong mag-model e hindi naman ako nakukuha kasi kulang ako sa height (laughs). Kaya masayang masaya siya nung nakasali ako sa Fear Factor. Kapag napapanood niya ako sinasabi niya magiging artista ako pero hindi naman talaga nagsi-sink in sa utak ko. Hindi naman talaga sa ayaw ko pero naisip ko lang na malabong mabigyan ako ng chance. Ngayon tuwang tuwa siya. Minsan tumatawag siya sa akin nakikibalita kung ano na ginagawa ko o kung kamusta na ako.”

Aside from Bud Brothers, Manuel will soon begin taping for George & Cecil where he will play a close friend to Judy Ann Santos. He will also have a cameo appearance in And I Love You So, the upcoming movie of Bea Alonzo and Sam Milby. Manuel told ABS-CBN.com that he feels very blessed to be given all these projects, and so as not to disappoint his fans and the management, he is doing his best to improve his skills and learn more. “Kapag napapagod ako minsan ramdam ko na na artista na ako (laughs). Pero enjoy naman lalo na ‘yung mga positive feedbacks. Sa mga negative naman dun ako natututo, mas napapagbuti ko ‘yung acting ko. Sinusubukan ko din makipag-usap sa mga katrabaho ko para may matutunan din ako sa kanila. Kahit anong project okay ako, basta may trabaho. Sabi ko nga sa handler ko kahit anong trabaho ibigay nila sa akin para malaman ko kung saan ako pwedeng mag-excel. Ngayon nakakapag-adjust na ako sa schedule at sa iba’t ibang taong nakakatrabaho ko. Learning process ito para sa akin at alam kong marami pa akong dapat matutunan. Sa aming Bud Brothers ako lang talaga ang walang acting experience. Pero sinusubukan ko talagang maging loose at natural sa harap ng camera.”

Author: Napoleon Quintos
Source: http://www.abs-cbn.com/Celebrity/Article/3663/Manuel-Chua-reveals-his-mother-is-his-number-one-fan.aspx
 

Jommy Teotico admits that his love life is not his priority at the moment

Category: By Administrator
Masayang masaya si Jommy Teotico sa kanyang first Boracay experience at hindi lang siya nag-enjoy sa pristine white beaches dito kundi napasabak pa siya sa mga challenges dahil kasali siya sa watersports event ng 14th GOMA Cup. “Yung Goma cup first experience, masaya kasi parang ang dami mong na-meet na bagong tao tapos yung games sobrang nakakapagod, yung frisbee nag enjoy ako. Ang saya kasi yun yung gusto ko mga kakaibang game.”

Masuwerte din ang team nila na naging champion sa watersports. “Kami yung champion. Yung game mahirap na masaya kasi mahirap parang di kami tumitigil sa pagtakbo sobrang nakakapagod siya pero yun naman nanalo kami so nawala yung pagod.” Pero di ba sanay na siya sa mga nakakapagod at kakaibang sa challenges sa Pinoy Fear Factor? “Sabi po nila nung bago kami mag-join kayang kaya nyo na yan ah kasi yung ginawa niyo sa Pinoy Fear Factor matitindi yung stunts so yun din medyo ok na pero medyo di siya ganun kadali kasi sobrang nakakapagod.” Trip to CamSur (Camarines Sur) for 4 days and 3 nights ang napanalunan ng kanilang team.

Sa lovelife naman, hindi pa daw ito pumasok sa isipan niya dahil baka mapunta lang sa paghihiwalay ang pakikipagrelasyon niya dahil sa dami ng kanyang commitments. “Wala mga friends lang, wala kasi mahirap rin parang pag mag-commit ka wala ka ng time so yun mag-aaway lang. Yun negosyo inaasikao ko rin tapos trabaho.”

Pero hindi ba niya kayang pagsabayin ang lovelife at trabaho? “Puwedeng pagsabayin pero minimal yung time na makukuha so minsan hahanapin ka tapos nasa trabaho ka minsan sasabihin nagpapalusot ka. May trabaho ka may negosyo ka, mahirap. Walang lovelife talaga as in girlfriend wala.”

Excited na si Jommy sa nalalapit na pagpapalabas ng romantic comedy na pagbibidahan ng bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung saan gaganap siyang playboy na nagba-buy and sell ng kotse at kaibigan ni Ryan.

Author: Arniel Serato
Source: http://www.abs-cbn.com/Celebrity/Article/3549/Jommy-Teotico-admits-that-his-love-life-is-not-his-priority-at-the-moment.aspx
 

Jommy Teotico says being a comedian is his ultimate dream

Category: By Administrator
Slowly but surely. Ito diumano ang motto ng Pinoy Fear Factor El Ultimo Participante na si Jommy Teotico nang makausap ng ABS-CBN.com sa isang auto show kung saan kabilang siya sa mga panauhing pandangal. Ibang iba na rin daw ang buhay niya ngayon dahil andami na daw nakakakilala sa kanya, nagpapa-picture at nagpapa-autograph. Ibang iba sa buhay na nakagisnan niya noon. Sa ngayon, unti-unti na niyang sinimulan ang pagnenegosyo na pinamumuhunanan niya mula sa cash prize na natanggap niya sa Pinoy Fear Factor.

Career wise, masaya si Jommy sa mga TV guestings at ang nalalapit na pagpapalabas ng “romcom” [romantic comedy] na George and Cecil kung saan kasali siya sa cast. Ito ay pagbibidahan ng real life sweethearts na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. “Mga guestings po meron tapos yung George and Cecil malapit na po yun. Comedy show kaya ok yun. Talagang gusto ko ng comedy or action kaya sabi ko suwerte talaga na nakasama pa namin ang mga big stars so sobrang suwerte.”

Hindi rin naman diumano siya nahirapan sa pagpapatawa dahil by heart ay makulit na talaga siya. “Kahit nung dun pa lang naman sa Argentina parang normal ko na rin eh yung makulit parang sa akin madali na rin kasi comedy nga. Bata pa lang makulit na ako. Yun talaga yung dream ko, ang maging comedy actor.”

Kamakailan lamang nakaladkad ang pangalan niya sa iringang John Lapus, Jobert Sucaldito at Phoemela Barranda dahil sa sinabi diumano nang una na naging waiter daw niya dati ito. Pag-amin niya nasaktan siya kahit papano sa mga nangyayari. “Medyo kasi parang dini-down nya yung mga ganung tao siyempre pangit naman kasi yung crab mentality, magtulungan na lang tayo dapat nga maging masaya ka kasi may umaangat. Siyempre lahat naman ng tao may pangarap.”

Author: Arniel Serato
Source: http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/3106/Jommy-Teotico-says-being-a-comedian-is-his-ultimate-dream.aspx
 

Acting, a pleasant surprise for PFF Participante Manuel Chua

Category: By Administrator
Inamin sa ABS-CBN.com ni Manuel Chua ng Pinoy Fear Factor na dissapointed siyang hindi siya ang tinanghal na El Ultimo Participante sa naturang reality show. “May naidulot na disappointment siya sa akin actually, lalo na nung time na na-out ako tapos nakalimutan ko na siya ok na ako tapos nung napanuod ko ulit ayun bumalik siya. Pero after that siyempre tanggap ko na si Jommy [Teotico] talaga ang nanalo, so I have to accept it.” Pero noon daw yun at ngayon ok na ang kanilang pagkakaibigan. “Ok kami ni Jommy, good friends kami, close kami. Actually ako, si Jommy at Marion [dela Cruz] close kami talaga.”

Naging daan sa mga participante ang show para makilala at mapag-usapan kaya hindi maiwasang maisip ng iba na kaya sila sumali sa Pinoy Fear Factor para mag-artista. Iba naman ang kuwento ng papalicious SuperManuel ng Cabanatuan City. “Ako nung sumali ako wala akong planong maging artista eh, gusto ko lang ma-experience yung challenges ng Fear Factor pero nung nasa fear factor na kami nung malapit ng matapos tinanong ako ni Ryan [Agoncillo] pag uwi mo ng Pilipinas gusto mo maging artista? Ang sabi ko kung may chance bakit hindi, so ngayon andito ako at masaya ako na merong binigay sa akin na project, kasama ko si Judai [Judy Ann Santos] tsaka si Ryan sa George and Cecil.”

Inusisa din namin ang super father na si Manuel kung sino-sino ba sa mga girls ng PFF ang naging close niya noong nasa Argentina pa sila. “LJ Moreno, Janna Dominguez and Savanah Lamsen. Si Gail Nicolas, naalis kaagad tsaka si Phoemela Barranda kaya nung time na andun kami talaga kasi si Gail lagi kong katabi sa mga stunts so kaming dalawa laging nag-uusap.”

Inamin din nitong na-pressure siya nung pinagkakaisahan na siya nang mga kapwa participante. “Nung una flattered ako kasi pinag kakaisahan ako kung baga threat ako pero nung tumagal mahirap na rin, pressured na.”

Sa ngayon, ang gusto lang daw ni Manuel ay magkaroon ng maraming guestings para mahasa ang kanyang talent. “Gusto ko lang magkaroon ng maraming trabaho, para mas ma-develop ko yung sarili ko, maipakita ko rin kung ano yung kakayahan ko.”

Author: Arniel Serato
Source: http://www.abs-cbn.com/Celebrity/Article/3097/Acting-a-pleasant-surprise-for-PFF-Participante-Manuel-Chua.aspx
 

Pinoy Fear Factor’s Janna Dominguez is unaffected by rumors

Category: By Administrator
Pinoy Fear Factor first runner-up Janna Dominguez hasn’t let intrigues affect her because she knows they are just fabricated stories. (Janna has been the subject of rumors stating that she has a rich benefactor in the person of singer-composer Lito Camo.) The lovely 19-year-old chinita admitted that she already prepared herself for the mudslinging even before she joined showbiz.

“Hahalukayin nilang lahat ultimo ‘yung pinakamaruming parte ng buhay mo, ‘yung masama o malungkot. Siyempre ako, pinasok ko ito, ibig sabihin handa ako. Kung may mga tanong na very private, may right naman siguro ako para sabihin na ‘Sa akin na lang ‘yan,’” she expressed.

Looking on the bright side, Janna couldn’t be happier for finally living her dream of being in the entertainment industry. She even recalled what she went through to get into showbiz, such as joining the endless lines of applicants for ABS-CBN’s reality-based programs like Star Circle Quest and Pinoy Big Brother. She started joining auditions when she was 14 and she made sure to try out for every reality show. “Para sa akin, mabait lang talaga ‘yung Diyos. Matagal ko na po itong hiniling. Fourteen pa lang ako nag-start na akong mag-audition sa PBB at SCQ, ganyan. Mataba ako dati at wala akong confidence. ‘Di ako natatanggap talaga,” Janna shared.

But her perseverance was finally rewarded when she was selected to be one of the 12 participantes of Pinoy Fear Factor, much to her surprise. For Janna, her ultimate goal for joining showbiz is to prove something to herself more than becoming famous. “Kaya ako pumasok sa showbiz kasi may gusto kang i-prove sa sarili. May gusto kang i-improve at may gusto kang malaman sa sarili mo na hindi mo pa alam. Gusto kong patunayan na kung may kayang gawin ang ibang tao ay kaya ko ring gawin. Kung hanggang saan ang kaya ko,” she admitted.

For now, Janna is enjoying the fruits of her labor. “Nakakatuwa kasi nare-recognize ka na at may pangalan ka na kahit paano. Nakikilala ka sa sarili mong paraan like in my case, ‘yung pagsali ko sa PFF. Pinaghirapan ko talaga ‘yon. Nakakatuwa.” After her stint on Parekoy, Janna will be seen in the upcoming series Precious Hearts where she has been paired up with fellow PFF participante Manuel Chua.

Aside from her TV appearances, Janna still does stand-up comedy in KTV bars. Although it is challenging to juggle both TV and stand-up, she has no intention of giving up the latter because of the opportunities it has opened up for her. “Ayokong bitawan ang mga inumpisahan ko dati. Dun ako nagsimula eh, parang hindi ka naman lilingon sa pinagmulan mo nun [kung binitawan mo]. Ito ‘yung naging training ground ko at ‘pag love mo ‘yung trabaho mo hindi ka mapapagod,” she shared.

Author: Bernie Franco
Source: http://www.abs-cbn.com/Celebrity/Article/3077/Pinoy-Fear-Factor-s-Janna-Dominguez-is-unaffected-by-rumors.aspx
 

Savanah Lamsen, ready to tease, but not willing to go all the way

Category: By Administrator
Feeling ng Pinoy Fear Factor participante na si Savanah Lamsen, nag-iba ng husto ang buhay niya pagkatapos niyang subukan ang kanyang suwerte sa nasabing reality show. “Actually, medyo naninibago po, like before po kasi normal ka lang ganun ganun, do whatever you want. Then all of a sudden, yung ‘di kana makalabas masyado. Hindi naman yung di makalabas, kaya lang yung pag nagmo-mall ka yung may mga nagpapa-picture, yun po yung life ko after Fear Factor. Yun po, yun po yung mga nabago sa ‘kin.”

Inamin din ng “ledge dancer” kung tagurian sa PFF na gustong-gusto talaga niyang pumasok sa show biz at ang show ang sa tingin niya ang magiging daan para maisakatuparan niyaang matagal na niyang pangarap. “Gusto ko pong maging artista. Gusto kong maging host actually.‘Tsaka po yung ano manalo ng two million of course, ‘tsaka house and lot.” Pero sa kasamaang palad, hindi nagtagumpay si Savanah na masungkit ang titulo bilang kauna-unahang el ultimo participante sa PFF dahil na-eliminate siya sa 8th round of elimination pagkatapos niyang hindi mapagtagumapayan ang hamong Pared Giratoria (Rotating Wall). Ngayong gusto talaga niyang subukan ang showbiz, is she still willing to go sexy? “Opo, sexy na po talaga ever since kasi nag-FHM po ako tapos ako po yung nilaban ng Philippines sa Ms. Bikini of the Universe 2006 po yun. So ever since sexy na po talaga ang gusto ko.” Gaano ka-sexy? Ito ba yung tipong mag all the way? “Hanggang two-piece lang po, siguro hanggang two-piece lang. Mag-all the way? Huwag naman po. Depende po kasi, depende po. Kasi pwede naman pong ‘di na lang maghubad, ‘di ba po.” Hindi rin maiwasang mapagdudahan ng iba na dumaan sa siyensya ang ibang bahagi ng kanyang katawan dahil almost perfect ang kanyang vital statistics na 36-23-37, ano naman kaya ang masasabi niya tungkol dito. “Ay wala po. Tanung n'yo vital ko, nawi-weirduhan nga po ako sa vital ko.” Pero kung mayroon man daw siyang ipapaayos sa katawan niya, ito ay ang kanyang legs dahil masyado daw malaki para sa kanyang figure.

Inamin din ni Savanah na hindi lahat ng takot niya ay nalagpasan niya. “Hindi ko po na-conquer yung fear ko yung sa daga nilagay sa face ko yung daga. Sa kalahati ng ulo ko, eh takot po ako sa daga tsaka sa pusa na malalaki. Eh yung mga daga kasing laki ng pusa.So sobrang takot talaga. Pero, nalagpasan ko po siya, nagawa ko po lahat ng stunts pero parang ‘yung nakita ko yung daga parang iyak ako ng iyak . Parang na trauma pa nga ako lalo nung nakakita ako ng daga ngayon, naalala ko yun yung mga kadiring daga na nilagay sa mukha ko talaga.”

Napansin din ng ABS-CBN.com na iba ang closeness nila ni Marion dela Cruz. May tsansa kaya ang balikbayan from Austria sa kanyang puso? “Tanungin nyo na lang po si Marion, di naman po siya nanliligaw sa akin. friends lang po kami.” Kinilig naman ito nang matanong kung sino ba ang crush niya sa showbiz. “Si Jake Cuenca po, super crush ko po si Jake Cuenca tsaka po si Sam Milby.” Halimbawa makakausap niya siya Jake at kunyari gusto din siya nito, ano kaya ang maari niyang sabihin dito. “Halimbawa lang po ah, ‘di ako nag a-assume ha pero kung halimbawa pong nagustuhan din niya ako parang ‘di ko po kaya, nakakahiya, ayoko ng ganoon.” Dagdag pa niya, “Natutuwa po ako pag nakikita ko po siya lalo na po pag nag-a-acting siya. tapos pag nasasaktan siya sa teleserye niya, feeling ko naiiyak din ako.” Sa huli, nagbigay naman ng mensahe si Savanah ukol sa napapabalitang pagdi-date nina Janna Dominguez at Jose Sarazola at ayon pa sa kanya, happy siya para sa dalawa. “Hindi po ako nanghihinayang, happy po ako kung nagdi-date po sila po ni Jose at Janna. Happy po ako sa kanila. Totoo po yun.”

Author: Arnie Serato
Source: http://www.abs-cbn.com/Celebrity/Article/3046/Savanah-Lamsen-ready-to-tease-but-not-willing-to-go-all-the-way.aspx
 

Is LJ Moreno going sexy?

Category: By Administrator
ABS-CBN.com had a chance to talk to LJ Moreno about her having liposuction on the hips. LJ admitted she gained weight after Pinoy Fear Factor at ito ang inilapit niyang problema kay Dr. John Cenica, isang beauty surgeon. Noong makausap namin sina LJ at Dr. Cenica, a.k.a Jancen sa pamamagitan daw ng plasma-lipo tatanggalin ang excess fats ni LJ sa kanyang hita. "Ninenerbiyos ako kasi first time ko na mag-undergo sa lipo process," bungad ng aktres.

According to LJ, tumaba siya nang husto sa Argentina noong ginaganap ang Pinoy Fear Factor doon last year. " 'Yung eating time kasi (comparing Argentina at Philippines) is different ,ang breakfast dito ay 8AM samantalang sa Argentina, 10AM. Lunch nila is 2PM at dinner ay 9PM. Minsan, after pa ng stunts kami kumakain, so lamon talaga." natatawang kuwento ni LJ. Kaya't noong March 25 winakasan na nito ang problema sa kanyang hips.

Matapang na sinubukan ni LJ ang proseso, dahil ayon sa doktor,"There's no blood vessels or internal organs na matatamaan. In just an hour, it's over," eksplanasyon ng kaniyang doktor. Aside from flushing fats from her hips, she wants to look more sexier now that she and former bf Jimmy Alapag (of PBA team Talk and Text) are back in each other's arms. " Yes, nagkabalikan ulit kami," happy na sabi ni LJ. "Nagkita kami sa wedding ng isang friend, Sarah Mayer last March 3.And that was supposed to be our (LJ and Jimmy) 5th year anniversary. Nagkuwentuhan at ‘yun na, nag-reconcile." One year and three months nang split si LJ at Jimmy noong panahon na iyon.

Wala daw connection sa kanyang pag-aartista ang kanyang pagpapa-sexy o pag-a-undergo ng liposuction at supported ito ng kanyang boyfriend. "Jimmy's full support naman in everything I do. Hindi siya kumokontra sa mga ginagawa ko. Grabe ang support niya, when I was in school and when I was teaching. Eh kasi naman,grabe din ang support ko sa kanya." LJ then denies she's living-in with Jimmy. " Hindi po," sabay tawa nito. "I'm living with my family." bawi ni LJ. Ayon pa kay LJ, wala pa naman daw sa kanilang plano ang kasalan kahit nagkabalikan sila. "Kasal? Ngayon? Hindi pa siguro. I'm taking it slow muna. My focus is work muna talaga." Work for LJ is her comeback project for Viva Films aside from teaching sa Little Gym school sa Fort Bonifacio. "I'm now a teacher and teaching will always be there kahit pa nag-aartista ako. " nakangiting pahayag ni LJ. "At least, I can say na, I have a degree and I also have a teaching license." LJ though admits mahirap talikuran ang pag-aartista. "Pero, hangga't may offer at puwede pang mag-atista, why not?" she answers again with a laugh.

Author: Ador Saluta
Source: http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/2935/Is-LJ-Moreno-going-sexy-.aspx